Thursday, October 5, 2017

Fatty Liver o Hepatic Steatosis: Sanhi at Lunas

Ikaw ba ay may Fatty liver? 

Kilala rin ito sa tawag na hepatic steatosis. Ayon sa mga eksperto ang nasabing kondisyon ay tumutukoy sa build up o sobrang pagdami ng taba sa atay kaysa sa normal na bilang. Ang liver o atay ay ang pangalawang pinakamalaking organ sa katawan ng tao. Ito ang nagpoproseso sa lahat ng ating kinakain at iniinom at responsable rin sa pagsala ng mga toxins o kemikal na maaring magdulot ng pagkasira ng ating katawan.

Kapag masyadong marami ang taba sa ating atay hindi nagagampanan ng maayos ng atay ang kanyang gawain at nagdudulot ito ng masamang epekto sa ating kalusugan.

Isa sa magandang katangian ng atay ay ang kakayahan nitong kumpunihin ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng bagong selyula. Ngunit kung paulit ulit ang pagkasira ng atay ay maaaring maging permanente ito; ito ang tinatawag na Cirrhosis.

Ang Fatty liver ay napakadaling lunasan sa pamamagitan lamang ng pagpapalit ng lifestyle ng isang pasyente.

Sintomas:

Kadalasan ang Fatty Liver ay walang sintomas ngunit maaring magdulot ito ng pananakit ng tiyan. Ang sobrang taba sa atay ay maaaring magdulot ng pamamaga nito. Kawalang gana sa pagkain, pagbaba ng timbang, sakit sa tiyan, panghihina at madaling mapagod ang maaaring maramdaman ng taong may Fatty Liver. Maaari ring mauwi sa Cirrhosis ang Fatty Liver na kung saan ay maaaring magdulot ng malalang karamdaman gaya ng paninilaw ng mata at balat, at paglaki ng tiyan.